DOH, magsasagawa ng isang buwang mass drug administration activities sa Hulyo

by Radyo La Verdad | May 31, 2017 (Wednesday) | 5786


Magsasagawa ang Department of Health ng isang buwang mass drug administration activities sa July sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Ayon kay DOH Secretary Paulyn Ubial, layunin ng aktibidad na gamutin ang iba’t-ibang uri intestinal worms gaya ng schistosomiasis.

Ang schistosomiasis ay isang sakit sanhi ng trematode worms at tinatayang labindalawang milyong pilipino ang maaaring makakuha ng sakit na ito.

Noong 2004 pa pinasimulan ang malawakang paggamot sa schistosomiasis at iba pang intestinal worms;

Umaasa ang DOH na tuluyan nang mawawala ang sakit na ito sa bansa sa pamamagitan ng mass drug administration.

Tags: , ,