390 million pesos ang inilaan ng DOH ngayong taon para sa RUSF o Ready to Use Supplementary Food na irarasyon sa mga lugar na may pinakamaraming malnourished children.
Ayon sa kagawaran, sulit naman ito para solusyonan ang malnutrisyon ng pitong daang libong bata sa bansa.
Ang isang pakete ng RUSF ay naglalaman ng minerals and nutrients o katumbas ng 500 kcal of energy.
Samantala, naglabas naman ang kagawaran ng Manual of Operations kung saan nakadetalye ang proseso para lunasan ang mga batang may malnutrisyon.
Ayon kay DOH Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, ibibigay ito sa mga health worker sa mga barangay na syang magmomonitor sa mga batang kulang sa timbang.
Nakapaloob sa manual ang pagpapakain ng RUSF sa mga minor de edad na may moderate acute malnutrition.
Ayon sa DOH, aabutin ng 12 to 18 months ang treatment period sa mga ito.
(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)
Tags: DOH, DOH Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, malnourished children