DOH, mag-iinspeksyon sa mga ospital sa Metro Manila para tiyakin ang kahandaan sa pagpapalit ng taon

by Radyo La Verdad | December 26, 2022 (Monday) | 8727

METRO MANILA – Naitala ng Department of Health (DOH) mula December 21-25, 2022 ang 5 fireworks-related injuries.

Ayon sa DOH, 50% itong mas mababa kumpara sa naitala na 10 kaso noong 2021.

Sa kabila ng mababang bilang ng mga naputukan, nanatiling naka heightened alert ang 61 sentinel hospitals ng kagawaran.

Sa Huwebes, December 29 maglilibot ang mga opisyal ng DOH sa mga ospital upang matiyak ang kahandaan ng mga ito sa pagtugon sa mga firecracker related injuries.

Hinimok din ng DOH ang publiko na iwasan nang gumamit ng paputok sa halip ay gumamit ng mga alternatibong paraan upang lumikha ng malalakas na ingay sa pagsalubong sa pagpapalit ng taon.

Samantala, bukod sa firecracker related injuries, ito rin ang panahon na dumarami ang bilang ng mga pasyenteng nagkakaroon ng non-communicable diseases. Kaya paalala ng DOH sa publiko, gawin ang lahat in moderation, maging sa pagkain man o ibang bagay.

Huwag ring kalimutan ang pagsusuot ng face mask kung nasa matataong lugar dahil andyan pa rin ang COVID-19.

(Gladys Toabi | UNTV News)

Tags: