DOH at LGUs, magpupulong para sa mas maayos na pagpapatupad ng nationwide smoking ban

by Radyo La Verdad | November 8, 2017 (Wednesday) | 4514

Pag-iisahin na lamang ang iba’t-ibang polisiya at parusa na ipinatutupad sa bawat lungsod sa bansa kaugnay ng Executive Order No. 2 o ang nationwide smoking ban.

Isa ito sa nakikita ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na magandang solusyon upang mas maging epektibo ang pagpapatupad nito.

Sa ngayon, nananatiling hamon pa rin sa DOH ang pagpapatupad nito mula ng opisyal na simulan ang implementasyon nito noong July 23. Ayon sa kalihim, haharapin niya ang mga local government officials upang pag-usapan ito.

Plano rin ng kalihim na magkaroon ng dayalogo sa opisyal ng Davao at Makati City dahil sa matagumpay nilang pagpapatupad ng naturang kautusan.

Una na ring sinabi ni dating Health Sec. Paulyn Ubial na dapat ay may Smoke-Free Task Force ang mga LGU upang magbantay sa mga lalabag sa kautusan.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,