DOH, kinumpirma ang unang kaso ng COVID-19 Lambda variant sa Pilipinas

by Erika Endraca | August 16, 2021 (Monday) | 4078

METRO MANILA – Nakapasok na sa Pilipinas ang Lambda variant ng COVID-19.

Ayon sa Deparment Of Health (DOH) isang 35 taong gulang na babae ang nagpositibo rito

Nguni’t bineberipika pa ng kagawaran kung ito ay isang local case o Returning Overseas Filipino

Batay sa ulat ng DOH, asymptomatic ang pasyente at naka- recover matapos ang sampung araw na isolation

Patuloy naman ang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.

Ang lambda variant at unang natuklasan sa Peru noong August 2020

At kabilang ito sa mga Variants of Interest O (VOI) ng World Health Organization (WHO).

Ngunit ayon sa who, hindi ito kasing bagsik kumpara sa mga variants of concern gaya ng Alpha , Beta , Gamma At Delta

Samantala, nakapagtala din ang doh ng 182 na panibagong kaso ng delta variant, 41 Alpha variant, 66 na Beta variant cases at 40 P.3 variants alerts for further monitoring

Sa kabuoan, 807 na ang Delta variant cases sa Pilipinas

At dahil sa pag- iral ng iba’ ibang COVID-19 variant sa Pilipinas lalo na ng Delta na mas transmissible o mabilis makahawa.

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng impeksyon sa bansa.

Sa nakalipas na 2 araw, umakyat sa mahigit 14,000 COVID-19 cases ang naitalala ng DOH.

Umabot na rin sa 102, 748 ang active cases sa Pilipinas.

Ibig sabihin ang mga ito ay may kakayahang makapanghawa pa at kasalukuyang nagpapagaling .

Ayon sa DOH, 39 na lugar na sa bansa ang nasa alert level 3 habang 54 naman ang nasa alert level 4.

Nangangahulugan ito na mahigit 70% na ang okupado sa mga isolation, ward beds, ICU at mechanical ventilators ng mga ospital.

“Marami na po na na- escalate natin from alert level 1 lang dati ay naging alert level 3 o alert level 4. Ngayon po wala na ho tayong alert level 1 na area, lahat po ay nasa alert level 3 and alert level 4.”ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Tiniyak naman ng DOH na nakapag- imbak ng mga gamot, oxygen supply at nakapaghanda na rin ng karagdagang pondo para sa posibleng pagdami pa ng COVID-19 cases sa mga rehiyon.

“Ang kailangan lang po nating gawin ngayon ay patuloy na maghanda para po tayo ay maka- accomodate sa ating mga ospital and most importantly we have to cut the transmission in the community” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Muling pakiusap ng DOH Sa publiko- maging responsable at lalong mag- ingat dahil sa dumaraming banta ng COVID-19 variants sa Pilipinas.

(Aiko Miguel | UNYV News)

Tags: , ,