DOH, kinilala ang Senate bilang Model National Gov’t Agency dahil sa 99% vaccination rate ng mga empleyado

by Radyo La Verdad | August 12, 2022 (Friday) | 1504

METRO MANILA – Pinangunahan ni Officer-In-Charge Usec. Rosario Vergeire ang pagkilala ng Department of Health (DOH) sa senado bilang Model National Government Agency dahil sa 99% ng mga empleyado nito ay vaccinated.

Nagpasalamat naman si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagkilalang ito ng DOH sa senado.

Tiniyak ni Senate Pres. Zubiri na patuloy silang magtatrabaho at susuporta sa vaccination drive na isinasagawa ng DOH, lalo na ngayong tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

(Vin Barana | La Verdad Correspondent)

Tags: