MANILA, Philippines – Patuloy na nadaragdagan araw- araw ang kaso ng tigdas sa bansa na umabot na sa mahigit siyam na libo mula Enero 1 hanggang Pebrero 18.
Batay sa ulat ng Department of Health (DOH), mas mataas ito ng mahigit anim na libong kaso kumpara sa kaparehas na panahon noong 2018. Umakyat na rin sa 146 ang nasawi dahil sa tigdas.
Pero ang ikinababahala ngayon ng Kagawarang ng Kalusugan ay ang patuloy na paglobo ng measles cases lalo na sa Calabarzon, National Capital Region (NCR) at Central Luzon.
Simula sa Sabado ay bukas na ang mga health center sa NCR kahit Sabado at Linggo upang magbigay ng libreng bakuna sa mga batang nasa anim na buwan hanggang limang taong gulang.
Paliwanag ng DOH, kailangang mapaigting pa ang pagbababkuna kontra tigdas dahil posibleng maapektuhan ang turismo at ekonomiya ng bansa kapag kumalat pa ito at mas marami pa ang mahawa.
Tinitiyak rin ng DOH na walang tigdas ang mga Pilipinong bumibiyahe palabas ng bansa lalo na ang Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon pa kay DOH Spokesperson Undersecretary Eric Domingo, nag-aalala na ang mga awtoridad sa Hong Kong dahil baka may dalang tigdas ang mga Pilipinong nagtutungo roon.
“Nag- express lamang sila ng concern like ang Hong Kong kasi declared measles-free na siya, tapos marami tayong Pillipino na nagta-travel to Hong Kong. We have safeguards naman to make sure for example ang OFWs before they leave, they undergo complete physical check- up naman. Make sure that all the vaccination is given,” aniya.
Ayon sa DOH, posibleng maapektuhan ang turismo at ekonomiya ng Pilipinas kapag pinagbawalan ng ibang bansa ang kanilang mga mamamayan na magtungo sa bansa dahil sa mataas na kaso ng tigdas.
Dagdag ng tagapagsalita ng DOH, “Sa mga tourist na papunta sa atin, we want to assure them that everything is being done by DOH to contain the outbreaks and control it the soonest time possible.”
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Department of Health, DOH, measles outbreak, tigdas, Tigdas outbreak
METRO MANILA – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang naiulat na nasawi dahil sa Monkeypox na tinatawag na ngayong MPOX.
Ayon kay Health Assistant Secretary Albert Domingo, walang pasyenteng nasawi sa MPOX mula sa anomang rehiyon ng bansa .
Nilinaw ito kasunod ng ulat na iniimbestigahan ng DOH sa Central Visayas ang pagkasawi ng isang 27-anyos na lalaki mula sa Negros Oriental, sa pinaghihinalaang kaso ng MPOX.
Paliwanag ni Asec. Domingo, halos magkahawig kasi ang mga butlig o sintomas ng chickenpox, shingles, herpes, at MPIX.
Kaya paalala niya na antayin ang opisyal na pahayag mula sa DOH at iwasan ang paggamit ng hindi beripikadong impormasyon.
METRO MANILA – Umakyat na sa 9 ang bilang ng mga nagpositibo sa sakit na Pertussis sa buong Caraga region mula January 1 hanggang kahapon, June 3.
Ayon sa Department of Health (DOH), mula sa 5 ay naging 9 ang nagpositibo sa rehiyon sa pagpasok ng buwan ng hunyo. 7 rito ay mula sa Surigao Del Norte habang tig-1 naman sa Agusan Del Norte at Agusan Del Sur.
Samantala, nasa 7 naman ang bagong suspected cases na naitala sa rehiyon. Sa ngayon 3 na ang nasawi dahil sa sakit na Pertussis sa Caraga.
Paalala ng kagawaran sa publiko na ang nasabing sakit ay nagsisimula lamang sa mild cough at lagnat na umaabot hanggang 2 Linggo, at pag-ubo naman na umaabot hanggang 6 na Linggo kaya mas maiging magpatingin agad sa doktor kung makaranas ng mga sintomas na ito upang hindi na lumala pa.
METRO MANILA – Binalaan ni House Deputy Majority Leader at dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin ang publiko laban sa paggamit ng vape.
Kasunod ito ng naitalang kauna-unahang kaso ng pagkamatay sa Pilipinas dahil sa paggamit nito kung saan ang isang 22 anyos na lalaki ang nasawi matapos ang tuloy-tuloy na paggamit ng vape sa loob ng 2 taon.
Sa isang pahayag, sinabi ng mambabatas na kailangan mamulat na ang lahat sa panganib ng paggamit ng naturang device lalo na sa mga kabataan dahil sa masamang epekto nito sa katawan na maaaring mauwi sa kamatayan.
Ikinababahala ni Representative Garin ang mga ulat na nagsasabing may mga kabataang edad 13 anyos ang nahuling gumagamit na ng e-cigarette at vapes kaya muli nitong binigyang-diin na hindi safe na gawing alternatibong paraan ang nasabing kagamitan para maiwasan ang paninigarilyo.