DOH, ipinaliwanag kung bakit hindi pa rin abot sa 40,000 ang COVID-19 cases sa Hunyo kahit na may test backlogs

by Erika Endraca | July 1, 2020 (Wednesday) | 12217

METRO MANILA – Umabot sa 37, 514 ang COVID-19 cases sa Pilipinas batay sa ulat ng Department of Health (DOH) kahapon (June 30) na hindi malayo sa projection ng UP experts na aabot sa 40,000 ngayong buwan ng Hunyo.
Kahapon (June 30) may 3, 521 na test backlogs ang mga laboratory nguni’t paliwang ng doh, hindi naman ibig sabihin na ito rin ang lalabas na bilang ng mga madadagdag sa kabuoang bilang ng kaso sa bansa.

Ayon kay Usec. Vergeire, kailangan maintindihan ng publiko na bawa’t lumalabas na data ay may kaakibat na pag- aanalisa at paliwanag mula sa mga eksperto

“Never magiging pareho itong cumulative unique positive at iyong confirmed cases. It can be approximated na malapit ang numero, hindi libo ang difference. Hindi talga sila magpapareho. Although meron talaga na numero diyan na hindi pa natin nava- validate at hindi pa natin naita- tag as confirmed” ani DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire.

Sa kasalukyan ay nasa 666, 556 na ang mga Pilipinong sumailalim sa COVID-19 testing at planong maabotng DOH ang 1-milyong target na ma- test sa buwan ng Hulyo alinsunod sa expanded testing protocol sa bansa.

Batid din ng DOH ang projection ng UP experts na sa buwan ng Hulyo ay posibleng umabot sa 60,000 ang kaso sa Pilipinas

Hindi umano isinasantabi ng DOH ang mga ganitong pag-aaral at kailangan din aniyang maipaabot sa publiko ang ganitong impormasyon upang lalong mag-ingat at maging responsable

“Itong models na ito bagaman minsan ay nagiging totoo ang atin lang pong sinasabi we are not certain and we can never be sure if we will reach this number of cases or not. Kailangan lang ang lagi naming ipinapaalala mula nang lumbas itong forecast namin na ito, ang estimate na ito. People should help us in mitigating na hindi dapat mangyari ito by doin the minimum health standards.” ani DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire
 ;
Samantala, ilang lugar na rin sa Mindanao ang binabantayan ngayon ng DOH.

Kabilang dito ang Regions 10, 11 , 12 at BARMM na nakikitang may posibilidad na maging COVID-19 hotspots ngayon.

Tulad ng Lanao Del Norte, Bukidnon, Misamis Occidental, Davao Del Norte, Davao Del Sur, Davao Oriental, South Cotabato, Sultan Kudarat at Maguindao.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,