DOH, inirekomenda na sa IATF ang pagkakaroon ng 5th day testing

by Erika Endraca | January 22, 2021 (Friday) | 5213

METRO MANILA – Kailangan pa ng dagdag na testing requirement sa lahat ng inbound travelers sa Pilipinas.

Bukod sa Covid-19 swab test ng mga ito, Kailangan ulitin ang pagsusuri pagkatapos ng 5 araw para makasiguro sa resulta.

Ito ay bundsod na rin ng nangyari sa mga co-passenger ni patient x na unang kumpirmadong kaso ng UK variant o index case sa Pilipinas.

Paliwanag ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, maiging maulit ang swab testing ng pasahero upang makakuha ng mas accurate na resulta.

“We have to repeat the testing on the fifth day after they have arrived before we release them to the lgu’s. So, sa ganitong paraan maaari po nating makita no, and appropriate po yung timing nong testing and we can be more certain kung talagang negatibo o positibo itong pasyente na ating tinest.” ani DOH Spokesperson Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

Kinumpirma rin ng DOH na ang isa pang nakasakay ng unang UK variant case ay positbo na rin sa Covid-19.

Kabilang ito sa mga inisyal na nag- negatibo sa Covid-19 pagdating sa pilipinas nguni’t naging Covid-19 positive sa repeat test

Sa kabuoan, 14 na sa close contacts nito ang positibo na rin sa Covid-19

Hinihintay ngayon ng DOH ang resulta ng sequencing ng 6 sa 14 na close contacts nito upang matiyak na wala sa mga ito ang may UK variant. Kabilang na rito ang kaniyang nanay at kasintahan.

Habang ang 8 namang co- passengers nila ay sumailalim sa re- swabbing upang malaman kung mataas ang viral load ng mga ito na mgagamit naman sa genome sequencing

Ayon pa sa DOH, lahat ng mga inbound travellers galing saan mang bansa ay kailangang maka- kumpleto ng kanilang 14 day quarantine period bagaman lumabas man na negatibo sila sa kanilang 5th day Covid-19 testing .

Ang hakabang na ito ay alinsunod sa mga protocol upang maagapan ang pagkalat ng uk variant sakaling sila ay positibo nito .

“Kapag nag- negative po sila sila po ay pinapayagang bumalik sa kanilang local government basta with the condition that the local government will monitor them and continue their quarantine in their local government. “ ani DOH Spokesperson Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

Inaasahang maarpubahan ng IATF ang rekomendasyong 5th- day testing ng DOH sa mga susunod na araw.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,