Hindi pa rin umano nakikipagtulungan ang Public Attorney’s Office sa ginagawang imbestigasyon ng University of the Philippines-PGH experts sa isyu ng Dengvaxia.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ilang beses na silang sumulat sa PAO ngunit wala pa rin umano itong tugon.
Nais ng DOH na ibigay ng PAO ang tissues na kanilang nakuha sa mga bangkay ng bata na umano’y namatay dahil sa Dengvaxia.
Pinabulaanan naman ni Acosta ang alegasyong ito. Sa text message ng PAO Chief, sinabi nitong may sagot sila sa mga sulat na ipinadala ng DOH.
Katunayan, humihingi rin sila dito ng masterlist ng mga nabakunahan. Mga taga-DOH aniya ang mga isinaskdal sa isyu at hindi mangyayari umano ang pagtutulungan kung walang ibinibigay na listahan.
Inaasahan namang dadalo sa susunod na pagdinig ng Senado sa naturang isyu sina Acosta at forensic expert na si Dr. Erwin Erfe.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )