METRO MANILA – Muling hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpa-second booster shot kontra COVID-19.
Ito’y matapos makapagtala ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 ang bansa pagkatapos ng long holiday.
3,148 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa mula April 17 – 23, na may average na 450 na kaso kada araw. 5 ang nasawi habang 14 ang nadagdag sa severe at critical cases.
Samantala wala ng itatayong special vaccination sites ang DOH para sa magpapaturok ng 2nd booster.
Sa halip, ayon sa kagawaran, ay gagawin na ito sa mga health center sa kanya-kanyang Local Government Units (LGU).
Tags: 2nd Vaccination, Booster Shot, Covid-19