DOH, hindi hinihikayat ang paggamit ng anomang uri ng paputok sa pagpapalit ng taon

by Erika Endraca | December 7, 2020 (Monday) | 6656

METRO MANILA – Sa tala ng Department Of Health (DOH), 35% ang ibinaba ng fireworks-related injuries noong taong 2019 kumpara sa taong 2018.

Pangunahing mga paputok na nakakapinsala sa mga tao ay ang kwitis, luces, fountain at piccolo noong nakaraang taon.

Dahil sa umiiral na Executive Order no. 28 o regulation at control ng mga firecrackers at iba pang pyrotechnic devices sa bansa ang pinapayagan lang ay mga community fireworks display.

“Hindi na po natin pinapayagan iyan na magkaroon na po ng parang kaniya- kaniyang pagpapaputok ang eo 28 nagsabi nagsaad na sa isang local government magkaroon ng zone kung saan pwedeng magkaroon ng display of firecrackers” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire. 

Nais ng DOH na ngayong taon ay magkaroon na nga ng zero fireworks- related injuries sa Pilipinas. 

Kaya naman maging ang paggamit ng mga ititnuring na legal firecrackers sa Pilipinas ay hindi hinihikatyat ng DOH na gamitin pa ito ng publiko sa pagpapalit ng taon, lalo na ngayong may umiiral pa rin na pandemya, hindi rin naman inirerekomenda ng doh ang mga pagtitipon o pakukumpulan ng tao sa iisang lugar.

“We really do not encourage the use of these firecrackers even though na sinasabi  na legal ito at binibigyan natin ng options ngayon kung ano ang pwede nating gawin para makapag- ingay hindi lang po firecrackers kung hindi pa po maraming paraan katulad ng malalakas na tugtugan and the others wo can prevent further injuries this coming new years day” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Sa kasalukuyan, wala pang umiiral na batas sa Pilipinas para sa total ban ng paggamit ng paputok.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,