DOH, hihingi sa PAO ang autopsy reporting mga batang iniuugnay ang pagkamatay sa Dengvaxia

by Radyo La Verdad | January 9, 2018 (Tuesday) | 3812

Bukas ang Department of Health na makipagtulungan sa Public Attorney’s Office sa kaso ng mga batang sinasabing namatay matapos mabakunahan ng Dengvaxia.

Ayon sa DOH, kaisa sila ng sinomang nagnanais na malaman kung talagang may masamang epekto ang naturang bakuna. Ngunit hinihiling din ng DOH sa PAO na mabigyan sila ng kopya ng isinasagawa nilang independent forensic examination.

Ayon kay DOH Usec. Eric Domingo, plano ng Kagawaran ng Kalusugan na makipag-usap sa PAO upang magtuwang nilang matulungan ang mga magulang ng mga naturang bata.

Ayon naman kay PAO Chief Atty. Persida Acosta, handa silang ilabas ang mga resulta sa publiko at makipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan upang bigyang hustisya ang kamatayan ng mga bata.

Samantala, bukod sa batang babae mula sa Quezon City, dalawang batang lalaki pa mula sa Laguna at Cavite na in- autopsy na noong Linggo.

Ngayong araw, may dalawang bangkay pa ang isinailalim muli ng autopsy ng PAO. Patuloy din ang pagsusuri ng panel of experts ng PGH sa hawak nilang mga clinical records at history ng mga batang namatay din umano dahil sa Dengvaxia.

Inaasahan ng DOH na matatapos ito sa lalong madaling panahon upang ilakip sa mga ulat na isismuite para sa ginagawang imbestigasyon ng Kamara at ng Department of Justice.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,