METRO MANILA – Kkinikilala ng Department Of Health (DOH) ang mga concern na ipinaaabot ng up COVID-19 pandemic response team sa mga nakita nilang mali at hindi pagkakatugma ng COVID-19 data ng DOH.
“Ang DOH po ay gumawa po na ng mga hakbang para ma- correct itong tinatawag po nilang data errors found in the April 24 and april 25 data drops.as well as other inconsistencies communicated by private citizens through covidtracker@doh.gov.ph. As early as April 26, we have seen and corrected issues and we very much appreciate the up resilience institute for raising their concerns.” ani DOH Sec Francisco Duque III.
Ayon kay Secretary Duque III maliit na porsyento lamang umano ang nakitang pagkakamali sa data set ng COVID1-9 epidemic sa bansa.
“We assure the public that the issues raised are less than 1%, maliit pa sa isang porsyento of the whole data set data and does not prejudice the overall interpretation of data and decision making.” ani DOH Sec Francisco Duque III.
Ngunit iginiit ng UP COVID-19 pandemic response team na bagamat maliit ito ay may mahalagang implikasyon ito kredibiladad ng data ng DOH upang hinidi magkaroon ng kalituhan.
ito’y dahil batayan ang COVID-19 data DOH at gamit ng ibang national government, LGU’s at private sector para sa akmang COVID-19 response sa bansa.
Panawagan din ng mga ito gawing accessible ng DOH ang hawak na data upang makaroon ng cross- validation sa mga LGU at tumugma sa hawak na data ng DOH.
Ilan sa nakitang error ng grupo ay ang datos noong April 24 at 25:
Ito’y kung saan 45 pasyente ang nabago ang gender information at 75 pasyente ang nabago ang age information. 516 cases din ang nabago kung saang nakatalang lugar o ang kanilang residence
Ayon kay Secretary Duque naitama na nila ang mga date formats at residence data. Dagdag pa ng kalihim maglalabas ang DOH sa pakikipagtulungan sa WHO country office ng bagong digital epidemiological surveillance information system na tatawaging “Covidkaya” upang makatulong sa mas akmang data collection at maiwasan ang encoding errors
(Aiko Miguel | UNTV News)