DOH: Biktima ng paputok umabot na sa 81

by Radyo La Verdad | December 28, 2015 (Monday) | 961

JOAN_IWAS-PAPUTOK
Umabot na sa 81 ang bilang ng mga biktima ng mga paputok ngayong holiday season.

Bagamat mas mababa ang bilang na ito ng 48 percent kumpara sa nakalipas na limang taon, ayon kay Department of Health Sec. Janette Garin, ikinababahala ng kagawaran na pabata nang pabata ang mga nabibiktima ng paputok. Sa ngayon, ang pinakabata ay 11 taong gulang lamang.

Karamihan ay biktima ng ipinagbabawal na piccolo.

Dahil dito, nanawagan ang DOH na iwasan na ang paggamit ng piccolo. Nakiusap rin ang health department sa publiko na ipagbigay alam ang mga nagbebenta nito upang mahuli ng mga otoridad.

Umabot na sa P603, 681.00 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiska ng mga pulis na mga pa­putok.

Samantala, batay sa monitoring ng PNP, may dalawang naitalang kaso ng illegal discharge of firearms na kinasasangkutan ng isang pulis at dalawang sibilyan. Dalawa ang nasugatan mula sa illegal discharge of firearms samantalang lima naman mula sa stray bullet.