DOH at FDA, babalangkasin na ang health warning sa mga fruit juice at beverages

by Radyo La Verdad | June 22, 2018 (Friday) | 3620

Magpupulong na sa susunod na linggo ang Department of Health (DOH), Food and Drug Administration (DFA), Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa upang pag-usapan ang magiging regulasyon ng sugar content ng mga ibinebentang inumin sa bansa.

Ayon sa DOH, nakahanda na rin silang balangkasin ang ilalagay na health warning sa mga fruit juice at high sugar content beverages alinsunod sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpaalala naman ang DOH sa publiko na sundin ang itinatakdang sugar intake ng isang tao araw- araw.

isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng diabetes at mga sakit sa puso ang sobrang intake ng asukal mula sa matatamis na pagkain gaya ng cake at mga inumin gaya ng softdrinks at flavored juices.

Dahil kapag nasobrahan ng pagkonsumo sa asukal ang isang tao, dito na nagsisimulang masira ang kalusugan at tuluyan nang nagkakasakit.

Paalala rin ng kagawaran sa mga magulang, bantayan ang mga kinokonsumong inumin at pagkain ng kanilang mga anak.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,