Inihayag ng Department of Energy (DOE) na walang inaasahang brownout ngayong linggo.
Noong Biyernes, nawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Luzon dahil sa pagbagsak ng Sual Power plant pero naibalik din ito agad.
Ayon kay DOE Secretary Jericho Petilla, sunod na isasara ang Malampaya natural gas facility dahil sa ilalagay na pangalawang platform.
Wala naman dapat ipangamba ang publiko dahil kahit mawala ang 780 megawatts na suplay mula sa Malampaya, may ginawa namang paraan ang ahensya.
Katunayan anya may ibang planta nang nakaabang na mapagkukunan ng nasa 180 hanggang 360 megawatts (MW) na karagdagang suplay, bukod pa sa 900 MW mula sa Interruptible Load Program (ILP).