DOE, tiniyak na may sapat na kuryente sa darating na eleksyon

by Radyo La Verdad | March 30, 2016 (Wednesday) | 1425

MACKY_DOE
Tiniyak ng Department of Energy na may sapat na kuryente sa darating na eleksyon sa Mayo.

Nagbaba ng mandato ang DOE sa mga power generation companies na hindi ito maaaring magsagawa ng maintenance shut down dalawang linggo bago at pagkatapos ng eleksyon.

Patuloy din ang pagsesecure ng Energy Concessionaires sa power connection ng mga voting centers sa buong bansa.

Subalit ang Departamento ng Enerhiya,hindi kontrolado sakaling magkaroon ng force outages o biglaang pagkawala ng kuryente dahil hindi anya sila ang mismong operator ng kuryente.

Ito ay tulad sa nangyari sa Mindanao noong Disyembre matapos bombahin ang tower 25 na bahagi ng transmission line ng kuryente.

Gayun din ang supply ng kuryente sa Negros Island kung saan nakadipende ang lahat sa solar energy.

Lumilikha ang solar panels sa Negros Island ng 300 megawatt ng kuryente kapag maaraw subalit bumababa naman ang generation nito kapag makulimlim.

Ayon kay Energy Secretary Zenaida Monsada, nakipagugnayan na sila sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at Energy Concessionaires na maglagay ng generators sa lahat ng voting centers upang hindi maantala ang eleksyon kapag biglang nawalan ng kuryente.

Nakaantabay naman ang task force election ng DOE upang higpitan ang seguridad ng energy facilities sa mga critical areas ng Maguindanao tulad ng Lanao del Sur at Lanao del Norte maging sa Bukidnon at Iligan.

(Macky Libradilla / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,