DOE, pina-igting ang inspeksyon sa mga LPG  companies

by Radyo La Verdad | August 9, 2023 (Wednesday) | 5549

METRO MANILA – Tapos na ang compliance period na ibinigay ng Department of Energy (DOE) para sa mga distributor at retailers ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa sa ilalim ng LPG Industry Regulatory Act of 2021 (LIRA).

Sa ilalim ng batas, kinakailangan nang nakarehistro ang mga dealer, retailer at distributors at refilling stations ng LPG.

Bunsod nito, pina-igting ng DOE ang pagbabantay sa mga nagbebenta ng cooking gas.

Bukod sa lisensya, kailangan din ng maayos na pasilidad para sa imbakan ng LPG tanks.

Ayon kay Energy Senior Science Research Specialist Robert Cardinales, maging ang pagdedeliver ng mga ito ay kailangang maingat. Tinaasan rin nila ang multa sa mga lalabag.

Mula sa dating iP1,000-P5,000, ngayon ay nasa P25,000 na ang penalty.

Samantala, nagpaalala rin ang DOE sa publiko na kung bibili ng LPG ay siguraduhing nasa tama ang timbang nito, maging ang labelling at marking ng tangke.

Sa ngayon, aabot na sa P5,000 aplikante ang lumalapit sa ahensya para magpasa ng mga dokumento at makakuha ng lisensya para makapag operate ng refilling station.

(Bernadette Tinoy | UNTV News)

Tags: ,