DOE, nais gamitin ang Malampaya fund na pambayad sa sinisingil na stranded contract costs sa consumers

by Radyo La Verdad | March 31, 2017 (Friday) | 1654


Pinalawig pa ng Energy Regulatory Commission ang pagbabayad ng mga consumer ng nineteen centavos per kilowatt hour na dagdag singil sa kuryente.

Ito ay bilang pambayad para sa stranded cost o ang naipong charges sa dating nang mga kontrata na pinasok ng National Power Corporation sa panahon ni Pangulong Fidel Ramos.

sa kabuoan nasa 53 billion pesos ang kinakailangan na mabayaran sa mga plantang dati nang kausap ng pamahalaan.

February 2017, dapat nabayaran na ito ng buo. Subalit mula noong 2007 nasa 48 billion pesos pa lamang ang nakokolekta, kaya naman kulang pa ng 5 billion pesos.

Ayon sa DOE, magtutuloy tuloy ang paniningil ng nineteen centavos per kilowatt hour na nakapaloob sa universal charges hanggang sa mabayaran ang natitirang balance.

Samantala, bukod sa standed cost, kinakailangan rin na mabayaran ng mga consumer ang 229 billion pesos na stranded debts.

Katumbas naman ito ng 26 centavos per kilowatt hour na dagdag singil sa kuryente kung ipatutupad.

Nais sana ng Department of Energy na huwag nang maipasa sa mga consumer ang pagbabayad ng mga ito.

Kaya naman umaapela ng DOE sa mga mambabatas na sana ay maapruhan na ng Kongreso at Senado ang pag gamit sa Malampaya fund bilang pambayad utang.

Sakaling maaprubahan paggamit sa pondo ng Malampaya nasa 69 hanggang 173 pesos ang matitipid ng mga konsumer kada buwan.

(Joan Nano)

Tags: , ,