DOE, maglalabas ng show cause order sa mga gasolinahan

by Radyo La Verdad | January 12, 2018 (Friday) | 2733

Nakakita ng inconsistency o magkakasalungat na datos ang Department of Energy sa mga report na ipinasa sa kanila ng mga na inspeksyon na gasoline station.

Kaugnay ito ng pagtataas sa presyo ng mga gasolinahan kahit wala pa ang January 15 na itinakdang araw ng DOE. Dahil dito, magbibigay na ng show cause order ang DOE sa mga nakakitaan ng inconsistency sa report ng imbentaryo ng mga gasoline station.

Sa datos na nakalap ng DOE mula sa mga gasolinahan, marami ang nagpasa ng kulang na impormasyon kung kaya hindi malaman ng DOE kung totoong naubos ang stock na langis.

Batay sa order ng DOE, maaari lamang magpatupad ang isang gasoline station ng dagdag-presyo kung mauubos ang kanilang stock. Posibleng masampahan ng kasong profiteering ang mga gasoline station, matatanggalan rin sila ng certificate of compliance at maaaring mai-pasara ng tuluyan ang kanilang gasolinahan.

Magbibigay rin ng report ang DOE sa Bureau of Internal Revenue upang maisailalim sa audit ang isang gasoline station.

Sa ngayon, nasa 199 sa mahigit dalawang libong mga gasoline station sa Metro Manila ang nagtaas na ng presyo sa produktong petrolyo

Tuloy-tuloy naman ang ginagawang inspeksyon ng DOE upang matiyak na sumusunod ang mga gasoline station sa kasunduan.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,