DOE, hindi kumbinsido na dapat nang itaas ang pasahe

by Radyo La Verdad | February 5, 2018 (Monday) | 5662

Dahil patuloy ang pagtaas ng petroleum products, umaangal na ang ilang mga jeepney driver at humihiling ng dagdag pasahe sa mga commuter.

Katwirang ng mga ito, mula nang ipatupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, halos tatlong piso na ang itinaas sa presyo ng diesel.

Pero sabi ng Department of Energy, hindi pa dapat itaas ang pamasahe sa mga pampublikong sasakyan dahil bukod kasi sa pinakikiusapan nila ang mga kumpanya ng langis na bigyan ng malaking discount ang mga public utility driver, pinag-aaralan na rin nilang ibalik ang Pantawid Pasada Program para sa mga jeepney driver.

Year 2011 nang ipatupad ito ng pamahalaan kung saan nasa mahigit isandaang libong jeepney driver na may legitimate franchise ang nabigyan tig 2,250 pesos na subsidy.

 

Tags: , ,