Documentary sa unang 50 araw ni President Duterte, inilabas na

by Radyo La Verdad | August 19, 2016 (Friday) | 1089

ANDANAR
Inilabas na kahapon ang #50first days documentary na nagtampok sa mga nagawa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang limampung araw nito sa panunungkulan.

Kasama sa mga accomplishment ang pagtatayo ng one-stop shop sa Philippine Overseas Employment Administration, Malacanang of the South o Panacan, pagpapatigil sa end of contract system.

Peace talks, pagdaraos ng Miss Universe sa bansa sa 2017, umento sa allowance ng olympiads, at iba pa.

Kasabay nito ay nilunsad na ang mula sa masa, para sa masa tabloid ng administrasyong Duterte.

Ito ang tabloid version ng magiging programa sa telebisyon ng pangulo na “gikan sa masa, para sa masa” na una na nitong sinumulan sa Davao city noong alkalde pa ito.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, bi-monthly ang publication ng limang libong kopya ng government tabloid at ipamamahagi ng libre sa taumbayan.

(UNTV RADIO)

Tags: