DND Sec. Lorenzana, tumangging maging Phl Ambassador sa Amerika

by Radyo La Verdad | August 25, 2016 (Thursday) | 3175

ROSALIE_Lorenzana
Hindi tinanggap Department of Defense Secretary Delfin Lorenzana ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging kinatawan ng Pilipinas sa Amerika.

Ayon sa pangulo, sinabi ni Sec. Lorenza na matagal na siyang nadestino sa Amerika at dahil matanda na ay ibig na lamang nitong mamalagi rito sa bansa.

Bukod pa rito, sinabi rin ni Pangulong Duterte na sa ikalawang pagkakataon ay tinanggihan siya ni Gilbert ‘Gibo’ Teodoro na maging isa sa kaniyang mga gabinite.

Pangalawang ulit na aniya niyang inalok si Teodoro na maging kaniyang defense secretary subalit hindi nito tinanggap ang alok ng pangulo.

Dating defense secretary si Gibo sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Samantala, sinabi naman ni Pangulong Duterte na maghahanap na lamang ng ibang maaaring maging kinatawan ng bansa sa Amerika.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: ,