DND Sec. Lorenzana, pabor na unti-unting alisin ang malalaking RP-US military exercise

by Radyo La Verdad | October 7, 2016 (Friday) | 3229

bryan_dnd-lorenzana
Inilataag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kanyang posisyon patungkol sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa panayam kay Lorenzana sa programang Get It Straight with Daniel Razon, sinabi nito na pabor siya sa gradwal na pagtigil sa nasabing pagsasanay.

Ayon kay Lorenzana may tatlong malalaking RP-US military exercises na ginagawa kada taon at dalawamput limang maliliit na military exercises.

Magkakaroon pa anya siya ng pagkikipag-usap sa Department of Foreign Affairs at national security adviser.

Naniniwala rin ang kalihim na kahit alisin ang presensya ng tropa ng Amerika sa bansa ay hindi ibig sabihin na puputulin na rin ang diplomatic relation dito.

Mawala man halimbawa ang presensya ng us troops sa bansa ay kaya na anya ng AFP na sugpuin ang bandidong grupong Abu Sayyaf.

Buo ang suporta ng AFP sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga at ikinatuwa na mataas ang moral ng kanilang hanay dahil na rin sa suporta na ibinibigay ng commander in chief.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: ,