DND, nanindigang naaayon sa batas ang pagbili nito ng mga armas at equipment para sa AFP Modernization Program

by Radyo La Verdad | November 13, 2015 (Friday) | 1554

ANDOLONG
Nilinaw ni Public Affairs Office Chief Arsenio Andolong ng Department of National Defense na hindi lamang ang public bidding ang mode ng procurement na isinasaad sa Republic Act 9184 o ang Government Procurement Reform Act.

Ginawa ni Andolong ang pahayag bilang reaksiyon sa ulat ng Commission on Audit na lumabag umano ang DND sa procurement laws sa pagbili nito ng iba’t ibang kagamitan at armas para sa AFP Modernization Program na nagkakahalaga ng 24.8 billion pesos.

Ayon sa DND, ang pagbili ng 12 FA-50 fighter jets trainers sa South Korea ay ginawa sa pamamagitan ng negotiated mode of procurement at nakabatay sa Defense Cooperation Agreement ng Revised Implementing Rules and Regulations ng RA 9184.

Giit pa ng DND, aprubado ng South Korean Government ang ahensyang katransaksyon ng Pilipinas kaugnay ng FA-50 fighter jets.

Samantala, ang bell 412 naman mula sa Canada ay ginawa sa pamamagitan ng transaksyon sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Canada at nakapailalim sa isang executive agreement.

Ito rin ang inaasahang magagamit ng pamahalaan para sa APEC.

Ang purchase naman ng M113 vehicles mula sa Israel ay naaayon pa rin sa RA 9184 at nakipag-ugnayan ang DND sa ahensyang kinikilala ng Israeli Government na magbenta ng defense at military government- ang Israeli Sibat-Ministry of Defense.

Dagdag pa rito ni Andolong, hindi naman maaaring dumaan sa public bidding ang mga equipment na may kinalaman sa military intelligence tulad ng C41/GIS Computer Systems, portable radio at technical forensic upgrade projects.

Sa huli, binigyang diin ng DND na ang procurement ng mga nasabing equipment ay dumaan sa prosesong naaayon sa defense system of management at ang bidding process ng kagawaran ay transparent, naaayon sa batas at kapaki-pakinabang para sa pamahalaan. (Rosalie Coz/UNTV News)

Tags: , ,