DND, nababahala sa massive reclamation activities ng China sa West Philippine Sea.

by Radyo La Verdad | April 13, 2015 (Monday) | 1512

DND-SEC-VOLTAIRE-GAZMIN

Inamin ng Department of National Defense na nakakabahala na ang massive reclamation activities ng China sa West Philippine Sea ngunit kailangang sundin pa rin nito ang umiiral na batas.

Bagaman nananatili ang posisyon ng pamahalaan na pagsunod sa batas at daanin sa mapayapang pamamaraan ang usapin sa territorial dispute, hindi naman tumitigil ang China sa pagpapalawak ng kanilang teritoryo sa South China Sea.

Naalarma na hindi lang ang Pilipinas kundi maging ang ibang bansa sa ginagawang reclamation ng China sa pitong reefs sa Spratly archipelago.

Noong nakalipas na Linggo, mismong si US President Barack Obama ang nagpahayag ng pagkabahala sa ginagawa ng China na hindi pagsunod sa international rules.

Sa latest na imahe ng mga reclamation sa West Philippine Sea ay ang satellite images ng itinatayong Artificial Islands sa Mischief o ang Panganiban Reef na 135 kilometro lamang ang layo mula sa Palawan Island.

Para kay National Defense Secretary Voltaire Gazmin, ang patuloy na reclamation activities ng China ay panganib sa regional security. (Rosalie Coz / UNTV News Correspondent )

Tags: ,