DND, itinangging naka-red alert ang militar kasunod ng arbitral ruling

by Radyo La Verdad | July 14, 2016 (Thursday) | 2712

DND-LOGO
Itinanggi ng Department of National Defense o DND ang mga na ulat na itinaas sa red alert status ang Armed Forces of the Philippines o AFP kasunod nang ruling na inilabas ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague Netherlands.

Ginawa ng defense department ang pahayag matapos na kumalat umano ang ilang text message na mayroong isinasagawang military activity sa Clark Pampanga bilang paghahanda sa posibleng reaction ng China kaugnay ng kalalabas na desisyon ng arbitral tribunal.

Tiniyak rin ni DND Undersecretary Ricardo David na walang dapat ikabahala ang publiko at hindi totoo ang nilalaman ng mga kumakalat na text message.

Tags: , ,