Nagsimula na ang PNP Crime Laboratory na kumuha ng mga specimen sa mga kamag-anak ng mga nasawi sa sunog sa Valenzuela City.
Ayon kay Crime Laboratory Deputy Director for Operations P/SSupt. Emmanuel Aranas, una nang nakilala ang tatlo sa pitumput dalawang biktima ng sunog kung kaya anim napu’t siyam na lamang ang kanilang isinailalim sa DNA testing
28 dito ang lalaki, 36 ang babae at 5 pa ang hindi malaman ang kasarian dahil sa sobrang sunog na tinamo
Paliwanag ni Aranas, bawat isang biktima ay kinakailangan ng tatlong kamag anak para sa siguradong resulta
Sa ngayon ay walumpu’t siyam na kamag-anak ng mga ito ang nakuhaan nila ng specimen at kasalukuyang ipino proseso.
Posible abutin ng isa hanggang dalawang buwan bago makilala ang mga biktima base sa ginagawa DNA testing ng PNP crime laboratory.
Sasailalim ang mga ito sa anti mortem information, post mortem information at forensic information.
Kung saan ang unang proseso ay ang:
1. specimen screening and sampling – kung saan nangongolekta ng specimen mula na isasalang sa DNA test.
2. DNA extraction – kung saan inihihiwalay ang tissue sample mula sa iba pang sample.
3. DNA amplification- ihihiwalay ang naiibang sample.
4. DNA electrophoresis- dito na ina- analyze o visualization kung saan nakikita na ang DNA profile na parang mga serial number na unique maliban sa identical twin.
5. Data review and database encoding – lahat ng dna profile ay nilalagay sa system at mina- match sa binigay na sample ng kamag anak.
Tiniyak naman ng crime lab na kaya nilang tustusan ang isinasagawang test sa mga specimen na nagkakahalaga ng dalawampung libong piso bawat isa o mahigit sa 5.5 million pesos.
Pakiusap ng PNP crime lab sa mga kaanak ng biktima, kailangan ng pasensya at kooperasyon ng mga ito dahil hindi maaaring madaliin ang proseso upang malaman agad ang resulta ng DNA Testing. ( LEA Ylagan / UNTV News )
Tags: Crime Laboratory Deputy Director for Operations P/SSupt. Emmanuel Aranas