Disyembre 16, bagong deadline ng HOR at Senado sa pagpasa sa BBL

by Radyo La Verdad | September 23, 2015 (Wednesday) | 1963

4 PRIORITY BILLS
Itinakda ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang Disyembre 16 bilang bagong deadline para sa pagpasa ng ipinapanukalang Bangsamoro Basic Law na sa ngayon ay nahaharap pa rin sa kaliwa’t kanang oposisyon sa loob at labas ng Kongreso dahil sa mga kwestyonableng probisyon nito.

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, chairman ng ad hoc committee on the BBL, sa unang linggo ng Nobyembre na nila maipagpapatuloy ang deliberasyon ukol sa BBL, pagkatapos ng deliberasyon sa proposed P3.002-trillion 2016 national budget.

Sa pangunguna ni Speaker Feliciano Belmonte Jr., itinakda ng House of Representatives ang bagong timeline para sa pag-apruba sa BBL batay na rin sa kahilingan ni Pangulong Aquino na maipasa ito bago siya bumaba sa pwesto.

Batay sa bagong timeline, inaasahang maipasa at maratipika na ng Kongreso ang BBL sa December 16 at maisabatas na ni Pangulong Aquino bago matapos ang taon.

Naging mabagal at matamlay ang BBL deliberations sa HOR dahil sa kawalan ng quorum at suporta sa naturang panukalang batas.

Tags: , , , , ,