Distribusyon ng unang batch ng Social Amelioration Program, ipinamamadali na ng DSWD

by Erika Endraca | May 6, 2020 (Wednesday) | 7917

METRO MANILA – Isang araw na lamang ang natitira bago ang itinakdang deadline sa May 7 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng unang batch ng Social Amelioration Program (SAP).

Kaya’t may ilang lugar na hanggang gabi na ang pamamahagi ng cash assistance.

Subalit ayon sa DSWD-NCR pwede pa rin naman na mag apply ng extension ang mga LGU sa MMetro anila, sakaling hindi pa rin kakayanin ang deadline sa Huwebes (May 7).

Sa panayam Kahapon (May 06) kay DSWD NCR Regional Director Vic Tomas sa programang Get It Straight With Daniel Razon, Ipinaliwanag ng opisyal na kinakailangan nang paspasan ang distribusyon ng unang batch ng SAP, upang makapag simula na ang pamamahagi ng second tranche.

Pero kinakailangan munang maisumite ng mga LGU ang liquidation ng sap distribution.

“Magiging batayan po ng pagbibigay ng second tranche yung pagliquidate nung mga pondong naibahagi sa ating mga qualified beneficiaries.”ani DSWD NCR Regional Director Vic Tomas.

Ayon sa DSWD-NCR malaking hamon sa kanila ang pagberipika sa 1.3 million na pamilya na sinasabing “left out” o hindi nabigyan dahil wala sa unang listahan.

Dadaan ito sa masusing cross matching upang tiyakin na kasama sa kwalipikadong benepisyaryo ang mga ito.

Sa ngayon nagdadag na ng mga tauhan ang dswd-ncr upang mas mapabilis ang pagproseso at pagaasikaso ng SAP distribution sa Metro Manila.

Kinakailangang matapos ang pamamahagi ng second tranche ng sap hanggang sa May 15.

Sakaling abutan ng lifting ng Enhanced Community Quarantine ang distribusyon ng SAP, ang IATF na ang bahalang magdesisyson kung ikokonsidera ang panibagong extension.

Sakaling di pa rin mabigyan ng SAP, ayon sa DSWD mayroon pa silang ibang nakalaang cash assistance and livelihood program para naman sa mga lugar na nasa ilalim na lamang ng General Community Quarantine.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: ,