Distribusyon ng unang batch ng SAP, muling pinalawig ng DILG hanggang May 10

by Erika Endraca | May 8, 2020 (Friday) | 6483

METRO MANILA – Kahapon (May 7) na sana ang deadline para sa distribusyon ng unang bugso ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DILG).

Subalit, dahil marami pa ring mga lokal na pamahalaan ang hindi pa rin nakakatapos sa pamamahagi dahil sa laki ng bilang ng populasyon sa kanilang lugar..

Muling ini-extend ng DILG ang SAP distribution hanggang sa Linggo May 10.

Batay sa monitoring ng , mula sa 1,634 na mga lgu sa buong bansa, nasa 985 pa lamang ang nakakumpleto na ng sap distribution.

Katumbas pa lamang ito ng nasa 77.51 % ng compliance rate.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nauunawaan niya ang hamon na kinakaharap ng mga local na pamahalaan sa pamamahagi ng emergency assistance lalo na sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan, Cebu at Davao City.

Habang ang mga rehiyon naman na may pinakamataas na compliance rate ay ang Caraga, Bicol at ang Cordillera Administrative Region.

Dahil sa pagkukumahog na makatapos may ilang barangay sa Metro Manila ang hindi nakalalabag na sa physical distancing dahil sa bulto ng mga tao na kukuha ng cash assistance.

Tulad na lamang sa Brgy. San Agustin sa Novaliches Quezon City at Brgy. 105 District 1 sa Tondo Maynila na siksikan at nagkatulakan ang mga tao.

“Ang nag apply ay kulang kulang limang libo. Ang form na alloted sa aming barangay ay 2884.” ani Brgy. Captain, San Agustin, Novalichez QC Ramiro s. Osorio.

Samantala naging organisado naman sa ibang barangay ang pamamahagi ng SAP, gaya na lamang sa Barangay mauway sa Mandaluyong City, at Barangay San Isidro Paranaque City.

“Sa ngayon po, ito na lang po y’ong last barangay na dapat kagabi tapos namin po ito kaya lang y’ong biglang buhos ng ulan. Mayroon pong nasa less than 100 na bumalik ngayon para entertain-nin po namin.” ani CWSD Mandaluyong City Head of Day Care Service Program, Merlinda Ibusag.

(Joan Nano | UNT News)

Tags: