Disqualification case, inihain laban kay Pacquiao

by Radyo La Verdad | October 22, 2015 (Thursday) | 1895

Photo credit: Aaron Romero/Photoville International
Photo credit: Aaron Romero/Photoville International

Isang disqualification case ang isinampa kahapon sa Comelec laban kay Senatorial aspirant at ngayo’y Sarangani representative Emmanuel “Manny” Pacquiao.

Ayon sa naghain ng petition na si Ferdinand Sevilla, dapat madiskwalipika si Pacquiao dahil sa madalas na pagliban nito sa House of Representatives.
Nakasaad sa petisyon na sa 168 na session days sa kongreso noong 2013, animnapu ang hindi dinaluhan ng boxing champ.

Noon namang 2014, pito lang sa pitumpung session days ang dinaluhan ni Manny ayon sa petisyon.

Pahayag ni Sevilla, “While Pacquiao was consistently absent to train for his boxing bout, shoot his television programs, or shoot hoops in basketball games, he was denying his constituents representation”.

Si Pacquiao ay kabilang sa senatorial slate ng United Nationalist Alliance ni Vice President Jejomar Binay.

Tags: , , ,