Displina ng mga Pilipino, isang dahilan kung bakit tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa

by Erika Endraca | July 20, 2020 (Monday) | 1701

METRO MANILA – Batay sa ulat ng Department Of Health (DOH) nitong unang linggo ng Hulyo halos 500 ng nakitaan ng clustering sa iba’t ibang lugar sa bansa gaya ng kumonidad, health facilities, bilangguan, construction site at maging sa mrt.

Ibig sabihin maa hawaan ng COVID-19 sa naturang mga lugar.

Ayon sa DOH, may mga factor kung bakit patuloy ang hawaan at naitatalang mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bukod sa lumuwag na ang quarantine restrictions, ang isa aniyang factor ay mga disiplina ng tao sa pagtugon sa kasalukyang pandemya sa bansa.

“Sa laban natin dito sa pandemyang ito, behaviour would be really very very critical, kung hindi magbabago ang tao ng kanilang nakagawian at hindi sila susunod dito sa mga bago or to this new normal that we are saying, mahihirapan talaga tayo.” ani DOH Spokesperson, Sec Maria Rosario Vergeire.

Tila nakalilimot aniya ang publiko na magsuot ng face mask, ang iba naka-face mask man ay hinid naman isinusuo ng maayos.

Nakakalimot din aiyang sundin ang physical distancing.

Kaya naman isisnusulong din ang “Bida Solusyon” campaign ng doh upang paalalahan ang tao na nakakabit na sa buhay ngayon ng bawa’t isa ang pagsunod sa minimum health standards

B para sa :bawal walang mask
I: i- sanitize ang mga kamay
D: dumistansya ng isang metro
at A: alamin ang totoong impormasyon

Samantala, bagaman lagpas na sa 22,000 ang naka- recover sa COVID-19 sa bansa.

Nagpaalala ang DOH na walang immune sa COVID-19, maging ang mga COVID-19 survivors ay hindi exempted dito

Pinag- aaralan pa lang din ngayon ng mga eksperto kung ang isang covid-19 survivor ay may antibodies na sa katawan para hindi na ulit kapitan ng COVID-19

“Pero sinabi na rin naman talaga yan ng WHO din, ‘di ba sabi nila, wala talagang immunity passport. Kung sakali ikaw nagkaroon ka ng COVID na, nag-positive ka na, yung chances na magkakaroon ka ulit, nandoon pa rin. ani DOH Spokesperson, Sec Maria Rosario Vergeire.”

Lagi aniyang tandaan ng publiko na prevention is always better than cure lalo’t wala pang bakuna o lunas sa COVID-19.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: