Naghain ng mosyon sa Sandiganbayan si dismissed police Chief Superintendent Raul Petrasanta upang makalabas ng bansa mula Nov. 23 hanggang December 11.
Ayon kay Petrasanta, nais niyang dumalo sa kasal ng kanyang kaibigan sa Jacksonville Florida sa November 28.
Hiling din niyang makabisita sa kanyang kapatid na nasa Amerika at makapag executive check-up .
Ginarantiya naman ni Petrasanta na hindi niya tinatakasan ang kaso sa Sandiganbayan at babalik siya sa takdang araw na ipapahintulot ng korte.
Handa rin siyang magpost ng travel bond kung kinakailangan.
Diringgin ng korte ang mosyon na ito ni Petrasanta sa biyernes.
Kabilang si Petrasanta sa mga matataas na opisyal ng Philippine National Police na nakasuhan ng multiple counts ng graft sa Sandiganbayan dahil sa umano’y pagproseso at pag-aapruba ng lisensya ng AK47 riles sa ilang kumpanya kahit palsipikado at kulang kulang ang mga dokumento.
Dahil din sa administrative liability nila Petrasanta, tinanggal sila sa pwesto ng Ombudsman at hindi na rin makakakuha ng benepisyo mula sa PNP (Joyce Balancio / UNTV News )