Discount ng Senior Citizens at PWDs sa basic goods, pinadadagdagan ng House Joint Committees

by Radyo La Verdad | February 14, 2024 (Wednesday) | 4947

METRO MANILA – Inutusan ng House Joint Committees ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) na dagdagan ang discount sa basic goods ng senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

Sa kasalukuyan sa ilalim ng Joint DTI-DA Administrative Order Number 10-02, entitled ang senior citizens sa isang special discount na 5% sa regular retail price ng basic necessities.

Katumbas ito ng P65 discount sa bawat P1,300 na halaga ng goods kada Linggo.

Subalit sa ginawang joint committee hearings na pinangunahan ni House Ways and Means Chairperson Joey Salceda, nais na gawing P125 ang diskwento sa bawat P2,500 kada Linggo.

Gayunman, kailangan muna itong pag-usapan ng DTI at DA at maglabas ng panibagong joint administrative order.

Samantala, lumabas naman sa pagdinig na nasa 7,000 ang reklamo kaugnay ng pekeng medical certificates upang maka-avail ng PWD IDs.

Tags: , , ,