Ilalatag ng Trade Union Congress of the Philippines sa Pangulong Aquino sa labor day ang Labor Enhancement and Assistance Program o LEAP na magsisilbing tulong ng pamahalaan sa mga manggagawa.
Sa pamamagitan nito, pagkakalooban ng discount card ang mga minimum wage earners na nagkakahalaga ng dalawang libong piso kada buwan.
Itutulad ang discount card sa Conditional Cash Transfer Program ng DSWD.
Ayon sa TUCP, kahit papaano ay makatutulong ito sa mga manggagawa lalo na’t 15 pesos lamang ang inapurbahan mula sa136 pisong hinihingi nilang umento sa sahod.
Nasa 3.4M manggagawa sa buong bansa ang makikinabang dito kung saan 700 libo sa mga ito ay nasa Metro Manila.
Ayon sa labor group, kayang-kaya itong ibigay ng pamahalaan dahil malaki naman ang savings kada taon ng gobyerno. ( Rey Pelayo / UNTV News Senior Correspondent )
Tags: Pangulong Aquino, Trade Union Congress of the Philippines