Disbarment complaint vs Ombudsman Conchita Carpio-Morales, hindi kinatigan ng SC

by Radyo La Verdad | March 29, 2017 (Wednesday) | 13695


Hindi kinatigan ng Supreme Court ang hiling na alisin sa pagiging abogado si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Nag-ugat ito sa pag abswelto nito kay dating Pangulong Benigno Aquino III sa kaso ng Disbursement Acceleration Program.

Lahat ng mga mahistrado ay sumang-ayon na i-dismiss ang disbarment complaint laban kay Morales.

Noong Biyernes, nagsampa ng reklamo sa Korte Suprema ang dating konsehal ng Maynila na si Greco Belgica.

Ayon dito, nilabag ni Morales ang lawyer’s oath nang i-dismiss ang kasong katiwalian laban kay dating Pangulong Aquino nang walang anomang paliwanag.

Ngunit sabi ng Korte Suprema, malinaw sa kanilang mga naunang desisyon na hindi pwedeng sampahan ng disbarment ang Ombudsman.

Hindi rin inayunan ng korte ang katwiran ni Belgica na pwede namang sampahan ng disbarment si Morales at ipatupad na lamang ang parusa pagbaba nito sa pwesto.

(Roderic Mendoza)

Tags: , ,