Disaster Response Team ng Naval Forces Northern Luzon, inihahanda sa pagresponde sa mga kalamidad sa Ilocos region

by Radyo La Verdad | June 7, 2016 (Tuesday) | 1787

TOTO_NAVAL
Nagsagawa ng inspeksyon si Capt. Albert Mogol, acting Commander, Naval Forces Northern Luzon sa mga tauhan at kagamitin ng Disaster Response Team ng Naval Forces Northern Luzon na naka base sa Poro Point, San Fernando, La Union.

Layunin nito na matiyak ang kahandaan ng grupo sa pag responde sa kalamidad na maaring tumama sa bansa.

Bilang paghahanda, bumili din sila ng mga bagong uniform para sa mga rescuer, pinalitan ang mga lumang gamit sa pag-rescue gaya ng mga tali at iba pang kagamitan.

Nakahanda na rin ang mga truck, maging ang mga rubber boat na magagamit sa paglikas ng mga nai-istranded sa baha at mga kagamitan sa clearing operations.

Samantala patuloy paring nagsasagawa rescue at disaster training ang grupo sa pakikipagtulungan ng lokal government unit sa Nothern Luzon.

(Toto Fabros / UNTV Correspondent)

Tags: , ,