Disaster Preparedness Seminar, isinagawa ng UNTV sa Daan Pare Elementary School sa Bataan

by Radyo La Verdad | May 29, 2018 (Tuesday) | 7473

Pinaunlakan ng UNTV News and Rescue ang hiling ng mga guro sa Daan Pare Elementary School sa Orion, Bataan na magsagawa ng disaster preparedness seminar bilang bahagi na rin ng Brigada Eskwela ngayong taon.

Isinentro naman ang diskusyon patungkol sa paghahanda sa oras ng sakuna sa mga sitwasyong maaaring mangyari sa loob ng paaralan.

Ito ay sa kadahilanang mas malaking oras ng mga bata ay ginugugol sa loob ng eskwelahan.

Ayon kay Emergency Medical Responder Benedict Galazan ng Untv News and Rescue, importatante ang equipment na magagamit sa oras ng sakuna ngunit mas importate pa rin ang kahandaang pansarili.

Ilan sa mga itinuro ni Galazan ang paghahanda sa oras ng lindol, hands only CPR, at wound management.

Bukod sa disaster preparedness seminar ay tumulong din ang grupong MCGI at UNTV sa pagsasa-ayos ng mga classrooms at pagpipintura sa mga ito.

Nalinis din ang mga sukal na dumami sa nagdaang bakasyon. Nagbigay din sila ng mga trash bins, walis at pintura na magagamit pa sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng eskwelahan.

Lubos naman ang pagpapasalamat ng mga magulang at mga guro sa UNTV at MCGI na magkatuwang na nakiisa sa Brigada Eskwela 2018.

 

( Alfred Ocampo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,