Muling nanindigan ang pamahalaan na sakop ng teritoryo ng bansa ang Benham Rise.
Kasunod ito ng pahayag ng China na hindi maaaring angkinin ng Pilipinas ang resource-rich water way sa kabila ng 2012 ruling ng United Nations on Law of the Sea o UNCLOS.
Nakasaad rin sa 2012 UN ruling na maaari lamang payagan ang pagpasok ng barko ng ibang bansa kung ito ay innocent passage ngunit hindi sila maaaring manatili ng matagal sa lugar o magtayo ng anumang istruktura.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang soberanya at territorial rights ng bansa ngunit dadaanin nila sa diplomatikong pamamaraan ang pagresolba sa isyu ng umano’y incursion ng ilang survey ship ng China sa Benham Rise.
Nilinaw din ni Abella na walang guidance si Pangulong Rodrigo Duterte na magtayo ng istraktura sa Benham Rise.
Ngunit inataasan na nito ang militar na paigtingin ang kanilang kapasidad para bantayan ang mga teritoryo ng Pilipinas.
Una nang pinawi ni Pangulong Duterte ang pangamba ng publiko sa ulat ng umano’y pagpasok ng mga barko ng China sa Benham Rise.
Aniya, ipinaalam na ito sa kanya bago pa man maglayag ang mga barko sa lugar.
Tags: Benham Rise, China, Diplomatic talks, incursion, Malacañang