DILG, tiniyak ang kaligtasan ng mga negosyador ng CPP kung dito sa Pilipinas isasagawa ang peace talks

by Radyo La Verdad | June 28, 2018 (Thursday) | 9216

Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang kaligtasan ng mga lider ng Communist Party of the Philippines kung dito sa Pilipinas isasagawa ang peace talks.

Iginiit ng kalihim na logical at praktikal ang proposal ni Pangulong Rodrigo Duterte na dito sa bansa at hindi sa Europa isagawa ang usapang pangkapayapaan dahil makakatipid sa gastos ang pamahalaan.

Ayon kay Año, maaring magsilbing neutral ground venues sa usapan ang mga hotel o lugar na pag-aari ng mga pribadong indibidwal at ang presensya ng media at garantiya ng pamahalaan ay magtitiyak sa kaligtasan ng CPP negotiators.

Hinamon naman ni Año sa CPP-NPA-NDF na magpakita ng sinsiredad na ituloy ang peace negotiations sa pamamagitan ng paghinto sa pag-atake sa mga government construction projects at pangongolekta ng revolutionary taxes sa mga pribadong kumpanya.

Tags: , ,