DILG, suportado ang “E-Sumbong System” ng PNP

by Radyo La Verdad | May 21, 2021 (Friday) | 14745

METRO MANILA – Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang newly-launched “E-Sumbong: Sumbong Mo, Aksyon Ko” system ng Philippine National Police (PNP).

“We support the initiatives taken by PNP Chief Eleazar to effect the change we want to see in the PNP.  Sa pamamagitan ng e-Sumbong, mas mapapabilis ang aksyon sa mga krimen at sumbong mula sa publiko habang nililinis ang hanay ng ating mga kapulisan sa bansa,”ani DILG Secretary Eduardo M.  Año.

Ang “e-Sumbong: Sumbong Mo, Aksyon Ko” system ay isang online complaint and monitoring system na binuo upang mas mabilis na maiparating ang mga sumbong, report at concern ng mga tao sa PNP sa pamamagitan ng SMS hotlines, social media, email, at QR scanning method.

Para maiparating ang mga report o complaint sa PNP “e-Sumbong: Sumbong Mo, Aksyon Ko”, maaring kontakin ang PNP sa SMS (0919601752, 09178475757), social media accounts (facebook.com/OfficialPNPhotline), email (e-sumbong@pnp.gov.ph), at web portal (https://e-sumbong.pnp.gov.ph).

Pinaalalahan naman  ni  Año ang publiko na sigurading legitimate complaints o concerns lamang ang ire-report at hindi kukundinahin ang sinomang gagawa ng pranks kung saan ito ay susubaybayan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG).

“We developed e-Sumbong because we want citizens to play an active role in crime prevention and solution and in ridding the police organization of misfits and scalawags.  Siguraduhin po nating ang irereport natin dito ay totoo at hindi panloloko dahil baka kayo naman ang magkaroon ng asunto”. ani DILG Secretary Eduardo M.  Año.

(Kyle Nowel Ballad | UNTV News)

Tags: ,