Nais ipa-cite for contempt sa Court of Appeals ni Makati City Mayor Junjun Binay si Department of the Interior and Local Governmnent (DILG) Secretary Mar Roxas, ilang opisyal ng Philippine National Police at ang Vice Mayor ng Makati na si Romulo Peña.
Bunsod ito ng pagsuway ni Roxas sa temporary restraining order na ipinalabas ng CA laban sa 6 month preventive suspension na ipinataw ng Office of the Ombudsman kay Mayor Binay.
Sa petisyon na inihain ng grupo ni Binay ngayong Martes, Marso 17, hiniling nito na ipakulong sina Roxas at Peña gayundin sina Department of Interior and Local Government (DILG)-National Capital Region (NCR) Director Renato Brion, NCRPO Director Carmelo Valmoria, Southern Police Director Henry Ranola, at Sr. Supt. Elmer Jamias, hanggang hindi sumusunod ang mga ito sa TRO ng appellate court.
Nauna nang iginiit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na moot and academic ang TRO ng CA dahil nauna nang ipinatupad ng DILG ang suspension order kay Binay.
Tags: Conchita Carpio Morales, contempt, DILG, Junjun Binay, Mar Roxas, Ombudsman, PNP