DILG, pinaalalahanan ang LGU na ipatupad ang safety health protocols sa mga evacuation center

by Radyo La Verdad | December 21, 2021 (Tuesday) | 5211

METRO MANILA – Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Units (LGUs) na tiyaking mahigpit ang pagsunod sa health protocols sa lahat ng evacuation centers sa mga naapektuhan ng bagyong Odette ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

Ito ay matapos magpahayag ng pagkabahala si Dr. Tony Leachon, dating adviser ng National Task Force against Covid-19, sa posibilidad ng pagtaas ng impeksyon sa coronavirus sa mga evacuation center.

Ayon kay DILG Sec. Año ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa evacuation centers ay binabantayan sa pakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH).

Dapat regular na pinapalitan ang sanitary accessories na ginagamit ng evacuees bilang bahagi ng safety health protocols. Naka-alerto ang miyembro ng LESU (Local Epidemiology and Surveillance Units) at contact tracers para ma-trace ang anumang posibleng kaso

Ang pangunahing prayoridad ng gobyerno ay protektahan ang kalusugan ng mga nasasakupan sa kabila ng pinsalang dulot ng bagyong Odette.

Dagdag ng DILG chief na lahat ng Local Chief Executives (LCEs) sa mga lugar na apektado ng bagyo ay ibiniblang at out of 1,025 LCEs, 14 ang wala meron silang dahilan ng kanilang kawalan gayunpaman titingnan nila ang paliwanag ng mga LCE upang matiyak na ang dahilan ng kanilang pagliban ay makatwiran at upang matukoy kung mayroong “ilang kapabayaan sa kanilang bahagi.

(Renee Lovedorial | La Verdad Correspondent)

Tags: ,