METRO MANILA – Nagbigay direktiba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Punong Barangays (PBs) na pangunahan ang pagpapaigting sa pagpapatupad ng minimum public health standards (MPHS) sa kanilang nasasakupan.
Sa pahayag ni DILG Secretary Eduardo M. Año, malaki aniya ang maitutulong ng mga PBs upang maiwasan ang mga illegal mass gatherings o “super spreader events” sa kani-kanilang barangay.
“The reality is violations on MPHS and super spreaders happen in barangays under our PBs. Itong karagdagang tungkulin na ito will give them extra leverage to police their kabarangays and to counter any super spreader events to happen again” ani DILG Secretary Eduardo M. Año.
Naatasan din ang mga PBs na regular na magsagawa ng inspeksyon sa sports, recreation, at leisure facilities gayundin ang pagbibigay limitasyon at pagababawal sa mga pampublikong pagtitipon, tulad ng pag-inom, sabong, tupada, fiesta, parada,various church gatherings at cultural festivals.
Maaaring humihingi ng tulong ang mga PBs sa kani-kanilang City/Municipal COVID-19 Operations Center, Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagpapatupad ng health protocols.
Inaasahan naman ng ahensya na susundin ng mga PBs at iba pang barangay officials ang pagpapaigting sa pagpapatupad MPHS sa kanilang lugar.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
Tags: DILG, Health Protocols