METRO MANILA – Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipinatutupad lamang nila ang isinasaad ng batas hinggil sa usapin na isasailalim sa 14-days quarantine ang sinoman na nakasalamuha ng nag positibo sa COVID-19 na ayaw magpa-swab test.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, sinusunod lamang aniya ng ahensiya ang ipinatutupad na batas upang maprotektahan ang publiko lalo na ngayon at mabilis ang pagkalat ng mas nakamamatay na Delta Variant.
Nakasaad sa Section 9 ng Republic Act No. 11332 na kung ang sinoman ay hindi susunod sa mga patakaran na ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa pandemya ay papatawan ng kaukulang parusa.
Hinikayat naman ni Año ang publiko na makiisa sa mga hakbangin at tagubilin ng pamahalaan sa pamamagitan ng disiplina sa pagsunod sa public health standards.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
Tags: DILG, Quarantine, Swab test