DILG, magpapatulong sa INTERPOL at ASEAN National Police upang hanapin ang mga heinous crime convict na pinakawalan

by Radyo La Verdad | September 10, 2019 (Tuesday) | 2444

Nakikipagugnayan na ngayon sa International Police at ASEAN National Police ang Department of the Interioir and Local Government (DILG) upang hanapin ang mga heinous crime convict na pinakawalan sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance o GCTA.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año base sa impormasyon na kanilang natanggap may ilan nang nakalabas ng bansa.

“Ina-anticipate lang natin yung mga coordinationkung sakaling ma-confirm yan ay may kausap tayo at magamit natin yung set up ng cooperation ng INTERPOL saka ASEANAPOL sa mga ganitong pagkakataon,” ani DILG Sec. Eduardo Año.

Sinabi pa ng kalihim na iniisa isang tignan ng bureau of correctons at philippine national police ang lokasyon ng mga pinakawalang convicts.

Nakahanda na rin umano ang mga otoridad sa isasagawang mass arrest pagkatapos ng september 19 deadline na binigay ng pangulo para sa kanilang boluntaryong pagsuko.

Tags: , ,