METRO MANILA – Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa P4.5 Billion mula sa P11.2 Billion na pondo para sa ayuda ang naipamahagi na sa Cities and lone municipality sa National Capital Region (NCR) na nakasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
“Nasa 4,566,655 low-income individuals na po ang nakinabang sa ating ayuda at tuloy-tuloy pa rin po ang ating pagbibigay ng ayuda ng ating mga LGUs,” ani DILG Secretary Eduardo M. Año.
Aprubado na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang P368 Million na pondo para sa financial assistance request ng mga NCR LGUs.
Samantala, sa August 25 ay dapat naipamahagi na ng mga lokal na pamahalaan ng NCR ang mga ayuda para sa low-income individuals.
Siniguro naman ni Año ang maayos na distribusyon ng ayuda sa pakikipagtulungan na rin ng Philippine National Police (PNP) at mga LGU sa Metro Manila.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)