DILG , nagdeploy ng firefighter-nurses sa 12 ospital sa NCR

by Erika Endraca | May 19, 2021 (Wednesday) | 15792

METRO MANILA – Nag-deploy ng 63 firefighter-nurses ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa 12 Public and Private hospitals sa National Capital Region bilang tugon sa panawagan ng Department of Health (DOH) sa karagdagang mga health worker upang makatulong sa pagkontrol ng COVID-19 cases sa rehiyon.

“The BFP’s Nurse Deployment Program is a great example of bayanihan. Given the need of nurses in many hospitals in NCR, we are proud to temporarily assign our firefighter nurses to different hospitals where they are urgently needed,” ani DILG Secretary Eduardo M. Año.

Sa kabuuang 63-firefighter-nurses, 9 ang inilagay sa Las Piñas Doctors Hospital in Las Piñas City; 8 sa MCU-FDT Medical Foundation Hospital in Caloocan City; 7 sa The Premier Medical Center in Parañaque City gayundin sa UHBI Parañaque Doctors Hospital, Parañaque City; 5 sa St. Clare’s Medical Center in Makati City; 6 sa Manila Doctors Hospital in Manila City; 4 sa San Juan Medical Center in San Juan City; 4 sa Providence Hospital in Quezon City; 4 sa Novaliches District Hospital in Quezon City; tig-3 firefighter-nurses naman ang naka-assigned sa Gen. Miguel Malvar Medical Research Foundation in Quezon City and Holylife Hospital at Ospital ng Tondo in Manila.

Hindi makakaapekto ang deployment ng mga firefighter-nurses sa firefighting capacity ng Bureau of Fire Protection (BFP) sapagkat ito ay bahagi lamang ng Emergency Medical Service ng BFP, pahayag ni DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya.

“BFP nurses are no ordinary nurses because they have undergone specialized training in emergency response from the DILG”, dagdag pa ni Malaya.

Samantala, manggagaling pa rin sa BFP ang salary at transportation ng mga nasabing firefighter-nurses na i-de-deploy sa mga ospital.

Babakunahan at sasailalim din ang mga nurse sa RT-PCR test .Pagkakalooban din ang mga ito ng medical assistance,Personal Protective Equipment (PPE) at hospital admission sakaling sila ay mahawaan ng COVID-19 virus.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,